Sunday, February 14, 1999

Mate


am+dg

Javier Francisco Camorra Lorenzo III

Fil 12 HH


Paano ba maging chickboy?

Marami na akong tinanong niyan eh. Sabi ni Coach Ompong parang putbol daw yan, kailangan may iskills ka at dapat praktisado. Payo naman ni Ethan (kapatid ko) wala naman sa itsura 'yan, nasa puso. Kontra naman dito si Elmong barbero sa kanto sa pagsabing basta maskulado't laging handa, pwede na pang-romansa. Pero sa tingin ko mali silang lahat, wala pa sa kanilang naka-jakpot ng megababe. Pare-pareho lang kaming mga torpe, itlog pa sa talaan ng pogi-points.

Bakit kaya ang hirap maka-score ng pogi-points? Matalino naman ako, streyt honors boy sa honors section ng Ateneo High School. Mabait at bukas-palad pa, lahat ng kaklase ko kumukopya sa aking lab report na dalawang oras pinagpaguran. At sa porma naman, pwede na yata akong Makati yuppie: pang-araw-araw na hapit long sleeves, high-waist slacks, wingtips, tapos salamin para magmukhang sopistikado. Sabi nila mukha raw akong dork, kaso cute at in-na-in na ngayon mga nerd na good-boy image. Tapos isports, meron din ako niyan, varsity 'ata ako- varsity chess. Uso na rin indoor sports ngayon. Dyahe kasi sa mga chikiting kung jinajabar. Kaya siguro puting labanos parin ako, kutis na pang Master by Eskinol. Hindi ko nga alam kung bakit wala parin akong chicks eh. Tingnan mo naman: Javier Francisco Lorenzo III, isang kumpletong package, wala nang hihilingin pa.

Hay ewan, ang labo kasi ng mga babae. Minsan mas diyos pa sila kay Pareng Jess, kay hirap na nga abutin, nagdidikta pa ng buhay. Mabuti pa ang chess, minamahal ako. Lagi akong panalo. Sa babae naman wala talaga, olats maghapon, magdamag, at umaga...

“Javsh! Tama na shalitah mo pareh.. letsh play on.”

Ay oo nga pala! Naglalaro kami ng chess. Pasensya na’t masyadong malayo inabot ng senti-trip ko. Dyahe… Siya nga pala si Michael Vincent Maté, Mike sa mga kakilala, Mate (meyt) sa mga kabarkada, at Maté naman sa mga dalaga, para raw mas suave. Talagang CBF 'tong si Mate: Chicks Before Friends. Kalokohan. Pareho lang naman kasi lagay namin, kapwa torpeng hihimatayin kaagad basta makakitang babae.

“Ako na firsht move repa."

Medyo makulit rin 'tong si Mate eh. Kahit sa akin nagpapa-cute. Kaya gumagamit 'yan ng "sh" imbis na "s" sa lahat ng salita kasi siya raw si Sean Connery, ang ultimong heneralismo ng mga chickboy. Kaso James Banban tingin ko dito. Ang nakuha niya lang kay Sean yung pagkabalbon niya, para tuloy negrong matsing. Kung sabagay mahilig naman sa pets ang mga kababaihan… Oh eto, anak ng tinapa! Utak tutubi pa sa chess.

"Hoy! Ako una! Ako kaya puti!"

”Ako na una shabi eh."

"Pare, laging puti ang una."

Ang kulit talaga ng kokote nitong si feeling 007. Chess na nga lang, hindi pa maalala tuntunin.

"O shige na nga. Pero 'ketba kelangan puti laging una?"

"Ewan ko ba, basta ganun eh..."

Basta ganun eh. Waw, ang lalim.



Part 1: Paghahanda

Noong Sabadong nakalipas, naginuman kami ni Mate sa isang restawran-pub nagngangalang Friday's sa El Pueblo. Isang kainang nagpupumilit magpaka-Kanong epek. Kaso lang nasobrahan at sumablay, nagmukha tuloy high class na karinderia.

"Kailan ba interbyu mo?"

Tanong ko kay Mate habang nilalasahan ko yung Guinness.

"Ewan koh, buong buhay 'ata eh. Hehe! Prom na nga lang kelangan pa nating harapin kanyang mga magulang. Hirap talagah ng mga meshitishang 'yan! Bashta, punta ako dun mga 2:30. Ikaw naman repapipapsh?"

"Mga 1:00."

Sabay niligawan ko na si mareng Guinness, minamahal bawat patak nito.

"Alam mo na ba shashabihin mo?"

"Sikreto diyan, magmukha kang ganado, pero gaguhin mo parin yung mga tanong. Tulad ko, sinabi kong taga-Dasmarinas ako at miyembro ng Polo Club. Mga konyo kasi dapat tapatan ng kakonyohan, fight fire with fire! Hindi aasenso mga karaniwang tao sa mga prinsesa sa torre, mahirap ihalo isaw at pishbol sa mga lamb chops at caviar."

Ayan, may konting tama, sinagot na pala ako ni mareng Guinness.

"Mahushay! Hehe! Pareho pala tayong naglalarong polo. Kasho ako nakatira naman sha Ayala Alabang. Shige, good luck na lang sha iyo."

"Salamat. Basta, maging tapat ka muna."

At tuluyang nagpapakasal na kami ni mareng Guinness, isang kabadong bata, ang minamahal na beer, si best man Johnny Walker, si Fr. Jose Cuervo, konting amats, malapit na...

"Hokey! Bashta shabi mo, wala naman sha itshura yan, nasha pusho. It'sh not the shize of the wave, it'sh the moshion of the oshean. Bashta shteady ako't honesht, tapat sha sharili. Be myshelf 'ika nga. Shalamat sha payo mo Javsh."

Huling banat, patapos na ang seremonyas. San Miguel dalhin mo nawa ako sa prom-ised land. Sige Guinness. Paalam Johnny, Johnny Walker Black. Hanggang sa muli Padre Jose.

"Sige Mate, may the best man win. Kitakits tayo dito mamaya."


...white pawn umatake, dumiskarte….


2 - Proseso: Mr. Javi Lorenzo III

Steady lang. Wala akong dapat kakabahan. Ako si Superman, Batman en Robin combined. Ako ang hero. Ako ang star. Kayang-kaya ko 'to eh. Kaso, babae.. 'yan ang kriptonite ng buhay ko.

..touch move ang batas ng ahedres..

Mali, kahit si Superman iiyak na lang sa sulok sa ganitong lagay. 23... 25.. 27 Prague St, ayan na ang Kastilang bahay, capiz na bintana, lakarang limestone, Celica ng kanyang papa, ang hardinerong maskulado, dalawang pusang nagbabanatan: senyas ng doomsday. Kaso nandito na ako, wala nang atrasan.

Badtrip, pamilyang starting lineup ng Gordon's Gin Boars na handang mag-jump ball ang sumalubong sa akin, at ako naman yung bola. Nandoon si main man erpats na naka sandong litaw ang bilbil dala ng kakalaklak ng Johnny Blue. Bagamat nabawasan ng idad pagka-maton, naroon parin bagsik ng isang rugged papa. Naroon din si mahiyaing mommy na dating beauty queen; kahit nasa bahay naka-foundation at eyeliner pa rin, nagmimistulang isang geisha. Bilang sentro naman, naroon si bigboy kuyang ramp model ng Polo Sport, Versace, Tag, Tommy, atbp. Kung hindi lang gumalaw para kumamot ng ulo, aakalin mong manekin sa Shangrila. Tapos, ayan na, ayan na… si Ana Melissa Celis Leviste ang musa ng historya, dancing queen onli sebentin, nalalaglag na ako…

Masyadong mabigat ang kalaban para sa isang prom proposal.

Nahulaan ko ang opening gambit nila. Nagpakita ng isang pekeng malambot na tingin si balyenang papa at nagsimula.

"Nasabi mo raw sa anak kong nakatira ka sa Dasmarinas at miyembro ng Polo Club."

..white knight gumuhit ng isang L, L for Leviste..


"Ah yeah... I used to stroll along with my tigidigs dateh. Haaay, memories of my childhood…"

Siguro nagsinungaling ako kay Melissa, kaso totoo sinabi ko sa kanyang papa. Ako yung pulot boy at punong taga-alaga ng kabayo ni Mr. Camorra dati.

"Magaling! Naglalaro pa rin ba sina Dr. Pastorfide at Mr. Ferrer?"

Patay. Kailangan pumili ng dalawang pusibilidad: una- tuloy parin sila, pangalawa- nag-retiro na. Hindi, masyadong mapanganib. Kailangang manatiling maulap ang sagot.

"God, you're taking me back to the good old days now sir.."

Tumawa ako. Mukhang nasiyahan si manong litson sa sinabi ko. Pero kakaba-kaba ang kanyang ngiti. Pakiramdam ko tapos na ang interbyu at mukhang makukuha ko si Melissa sa prom, kawawang Mate. Lahat ng sumunod na tanong sisiw sagutin. Akala talaga ng mga 'to isa akong bigtime konyo kid na tumatambay sa Travessia. Panalo!

Sa wakas nagsalita na rin si sweety-pie honey-pie mommy:

"Ehm... ehm.. Javi.. ehm.. pwede mo bang.. ehm.. ipaliwanag kung bakit.. ehm.. bakanteng loteng inaalok sa amin ang.. ehm.. bingay mong address mo sa.. ehm.. Dasmarinas?"

Pwede mo bang ipaliwanag kung bakit panay bakante mga salita mo?!?

"Ah yes, we're considering buying the lot sometime in the future. As of now, my father has land in Dasma, Dasma Cavite. I feel it's important to be honest when it comes to dealing with the parents of my potential prom date."

Hanep! Ang suave ko talaga, ala-Ralph Fiennes sa Quiz Show. Medyo natulala sila bago nagpatuloy.

"Javi, salamat sa pagiging diretso mo sa pagsagot... umm may isa pa kasing magtatanong sa anak namin sa prom.. Tawagan mo na lang si Melissa para sa sagot niya."

Ta-daan! Biglang lumitaw uli ang mataas na torreng garing naghihiwalay sa amin ni Melissa. Hindi ko naman masasabing hindi ako sumubok.

..castleling..


3 - Proseso: Mr. Michael Maté

Eto ang kuwento ni Mate sa akin:

Mahushay talaga yung Guinnesh pareh, numero uno magnifico! Sha shobrang sharap shumashayaw na ako sha kalye, paikot-ikot, pashikot-shikot, walang pakialam. Shabi mo sha akin Javi ibenta ko sharili ko sha mga magulang at shabihin ang totoo. Yun nga ginawa ko...

..black pawn rumatrat na rin..


"Sabi sa akin ni Melissa naglalaro ka rin ng polo. Mukhang marami kayong taga Polo Club ngayon a."

Gushto 'atang kumatay ni Shir Levishte ngayon. Bumanat kaagad sha pakikipagtalashtashan.

"Sa totoo bosh..shh.. boss, ay mali.. sir! .. Sa totoo shir, dapat malinish ako pagdating po sha inyo.. ahem.. sa inyo po! Hindi po ako talagang miyembro ng Polo Club. Sa katunayan, iisang club lang sinalihan ko nung uhugin pa po ako- Saranggola Club, yun bang may libreng ice cream pag bertday. Sinabi ko lang po na Polo Club ako kasi maaring bumaba tingin nyo sa akin. Baka bagsakan pa po ako ng telepono ni Melissa. Kailangan po kasi para maging pogi, may magandang address, bihis na tsikots, cellphone, beeper, makapal na pitaka, twang sa pananalita, at higit sa lahat- kayamanan po."

..at naiwan sa likuran ang mga black knight..

"Easy ka lang Mr. Maté. Gusto ko lang ng malayang talakayan kasi dati akong kasapi ng Polo Club. Dapat kasi relaks ka lang, wala kang dapat problemahin sa diskriminsasyon. Tingnan mo ako, hindi naman ako mestiso o gwapo pero nakakuha pa rin ako ng magandang bebot."

Shabay ngiti sha't inakbayan shi ma'am Levishte. Ang shwit nila, halosh nilalanggam na.

"Cool lang shir.. este sir. Gusto ko lang po talagang makipantay sa inyong mga matataas ang lagay sa lipunan, kaya po ako nagkunwari."

Bashta maging tapat muna sha sharili.

"Walang problema, mas gusto pa naming malaman kung anong klaseng tao ka kaysa kung gaano kaswerte mga magulang mo sa buhay. Sabi ni Melissa straight honors boy ka raw sa section A ng Ateneo High?"

"Uy! Patawa ko lang po yun. Shi Javi po ang honorsh boy. Akala ko kashi matutulak ng pagiging matalino ang pagtanggap niyo po sha akin, para bang pinapakitang kaya ko pong alagaan shi Melissha."

..at isa-isang kinakain ang mga black pawns..


"Mr. Maté, hindi ka dapat matakot. Si Melissa mismo ang humiling na kausapin ka namin."

"Eh, kahit anong shabihin niyo po! Kayo po ang main man, ang kapitang baranggay, ang taong nasha upuan, heneralishmo Levishte!"

"O sige, hindi tayo gumagalaw sa usapan. Sabihin mo na lang sa amin kung bakit masyado kang desperado, kailangan mo pang magsinungaling."

"Ang ngiti kashi ni Melissha. Kapag ngumiti shiya, napapangiti rin ako…"

"Yun lang ba?"

"Ewan ko po ba… Isha lang shiguro ako sha maraming taong alam na shi Melissha ang besht chick ever, isha lamang sha maraming nakauunawa kung gaano shiya kahushay magdala ng sharili. Pero, ang mga maliit na bagay: ang kanyang shimpleng kaishipan, kung paano niya nashashabi ang kanyang nararamdamanam, kung paano niya halosh laging pinapalabash lahat ng tungkol sa pagiging malinish at totoo.. Hindi lahat ng tao nakikita sha kanya iyon... At pinanood ko shila habang tinititigan nila si Melissha, hindi lang nila alam nasha harap na nila ang pinakamahushay na tao sha buong mundo."

..nakain na rin ang white queen..

Hindi ko na maalala kung ano pa nashabi ko kay shir. Bashta alam ko napaluha ko shi Mrs. Levishte.

"Maraming salamat Mr. Maté. Isa kang karakter. Si Melissa na lang tatawag sa iyo para sabihin ang sagot namin."

"Hindi po shir, ako po yung dapat magpashalamat. Besht ever interbyu ito!"

Buong galak kong nilapitan isha-isha sha kanila at kinamayan, parang isang kandidatong nanalo sha elekshyon.

..check..



4 - Rebyu

Nagkita muli kami ni Mate sa Friday's pagkatapos ng kanyang interbyu.

"Repsh! Besht prend! Shalamat shalamat shalamat...!!! Kung hindi dahil sha iyo, sha mga payo mo, wala akong mararating sha interbyu."

"Walang anuman. Nagagalak nga ako't maganda ang nangyari sa interbyu mo."

Plastik. Bolero.

"Javsh naman, halata namang mash nashiyahan sha iyo mga magulang niya... Alam mo kahit anong mangyari, oksh lang sha akin na hindi ko sha madala sha prom."

"Ulul? Sigurado ka ba?"

Sira talaga 'to, siya na nga kampeon, aayaw pa. Heto nga ako, isang illustradong inupakan ng indio. Buhay naman o, parating doble-kara!

"Alam mo kashi, gumaya lang sha shtyle mo. Lahat ng mabuting nashabi ko tungkol kay Melissha, ikaw na rin nagshabi sha akin. Taposh, besht prend naman, grade shcool pa tayo magkakilala, anim na taong magkashama. Ipagpapalit ko ba pagshashama natin para sha ishang babaeng tatlong buwan lang natin nakilala?"

Oo nga, Little Mikey.. nakilala kita sa chess club noong grade 4 tayo...

..naiwan ang king sa back row..

"At shaka Javsh, nakikinig ka pa ba Javsh? Okey. Nakita ko namang nakangiti shi Melissha eh. Para sha akin, shapat na yun, makita shiyang mashaya. Alam ko namang ikaw lang makakagawa nun sha kanya. Bashta mashaya shiya, mashaya na rin ako."

..check..

Huwag ka namang ganyan pare. Masyado kang nanonood ng TGIS. Pero tama ka, dapat ako ang panalo.

"Mate, ako na ang magdadala sa kanya sa prom..."

..nasakripisyo ang black queen..

Ako nga, si Javier Francisco Lorenzo III, ang magdadala kay Melissa Leviste sa prom. Napilit ko sa sarili kong tanggaping tama ang ginawa ko. Hindi naman malaking bagay ang nangyari, isang maliit na kataksilan lang. Siguro mas binigyan kong halaga ang babae kaysa sa kaibigang tulad ni Mate.

Ang tanong bale ay: bakit ko nagawa yun? Isang milyong kasagutan, lahat sila hindi totoo. Ang katotohanan, masama akong tao. Pero magbabago ‘yan- magbabago ako. Huling kagagawan na iyun. Ngayon, magiging malinis na ako, susunod sa diretsong daan, at pipiliing mabuhay. Kinagagalak ko na nga mangyari 'to eh. Magiging tulad mo ako. Kasi naman Mate, what can I do, I'm not chickboy like you.

..mate..

Thursday, October 09, 1997

Reserved Rebounding

am+dg

Bentot Gorospe

English IV

“Girl scouting” in Robinson’s Galleria is our training camp to transform depressed dumbasses into ebullient endomorphs. Every Friday after CAT sessions, the girl scouts zoom past the public bath area and take a shower or two. Usually, they’d spend an hour inside for exfoliating, removing “fly-aways and tikwas”, and some pampering with Master by Eskinol, all in a vain attempt to increase pogi points. Once done, they’d step out, refreshed icons of machismo staggering like reservoir dogs while entering their setup Civics for some defensive driving. Keys turn, the crisp staccato of 5-Zigen mufflers signify ignition: 4… 3.. 2.. 1.. it’s “ratrat” time to Galleria to win some girl scout badges.

Upon arrival at the Galleria rendezvous point, the girl scouts attack from different entrance points. Some would secure the front perimeter beside Auntie Anne’s, others the sidelines through the amazing National Bookstore maze. Of course the bravest girl scouts pass right in front of Goldilocks heaven- the Poveda gate. Upon entering the usual trysting point in front of Auntie Anne’s, various groups organize their attack plans. While senior girl scouts debate on how to “ratrat-banat”, some lesser neophyte scouts continuously reconnoiter all the floors of Galleria and look for possible insertion areas.

At exactly 16:30 hours, all the scouts regroup near the foodcourt fountain and prepare themselves for incoming confrontation. 10 minutes quickly pass and suddenly the entire mall is splattered with Goldilocks gingham patterns and colors. From all angles would come the fiery targets of opportunity- Povedans! The girl scouts would find themselves surrounded and outgunned. Most likely they’d retreat to the fourth floor to have an aerial view of the field. From there, experienced girl scouts begin activities like sniping and bird watching to hunt for their prime targets.

Once an accurate assessment of the situation has been established, the girl scouts line up in troop fashion and begin playing their strategies. Some go directly towards the goldilocks barrage in a desperate kamikaze “hi-bye” manner, while some extra careful scouts would lurk inside cute t-shirt or figurine shops hoping they’d be discovered. Verbal exchanges like, “oh your shopping here too pala” or “oi help me naman find a gift for my sister o” ensue. Either way, the scouts exert massive amounts of charm, tenacity, and a total lack of self respect to try and earn girl scout badges. Hopefully they’ll benefit with a promotion or two.

That’s it for girl scout activities.

Question is, why are there girl scouts in the world? This is answered eloquently by my dear friend named Lilmico. He says that our parents themselves also went through the same vicious cycle. Our fathers were girl scouts who won our mommies as badges. How ingenious! Indeed! As if this reason wasn’t crappy enough, he then adds that we wouldn’t be born if it were not for our successful girl scout fathers. Like father, like son. And he concludes with “girl scouting is a fact of life we can’t live without.”

While for some people it’s true that we stagnate in a steady-state of consciousness and ignore chicks and anything sweet enough to summon a romance, for some there are other things in life to be happy about like friends and defensive driving. Handling chicks would be akin to having blood transfusion with an HIV positive street urchin, an incurable disease, too much of a hassle .

And I do agree. It’s true that we don’t need girls to be happy. Instead, we need girls to make us happier.

I wish I had more eloquence.